29.3.10

Sampu nga ba ang daliri ko?

Minsan napagtanto ko lang, bakit kaya ang tingin ng ibang bansa sa Pilipinas ay bayan ng mga taong mahihina ang kukute? Sabi dito ang Pilipinas daw ay may iniestimang IQ o Intellegence Quotient na 86. Wow! 86! Ano na nga ba ang passing score sa UP? Well mukang ok naman ang 86 kasi nga malapit sa 100.

Pero sabi dito ang numerong 100 ay ang karampatang IQ level lamang ng isang pangkaraniwang tao. Samakatuwid, ang IQ ng isang pangkaraniwang Pilipino ay may mababa pa kumpara sa pangkaraniwang tao sa mundo. Holi shet! What the 'F'!?
Ayon ulit dito, ang mga tao daw ng may kaukulang IQ ay may karaniwang trabaho. (tignan ang baba)
Anak naman ng tinapa! Kung ang average Filipino IQ ay 86, panay laborer, hardinero,minero, factory worker ang trabaho!? Di pa kasama jan ang holpader, snatcher, kidnapper, at kung anu-ano pang goon jobs. From what I've learn from my Geography 1, panay primary jobs lang ang napupuntahan. kelan kaya magiging panay tertiary jobs ang trabaho ng mga Pinoy?

May mali ba sa edukasyon? malamang sa malamang meron yan. sabi nga dito, ang Education Index ng Pilipinas o ang bilang ng mga mamayang literado ay bumababa ng 0.887 na puntos. Sa ngayon, nasa pang-anim napu't anim na ranggo na ang Pilipinas. Nangangahulugan lamang na may mali sa sistema.

O di kaya'y may mali sa kung saan at ano ang pinagbibigyan ng pansin ng ating magaling na gobyerno. Dapat imbis na atupagin nila ang paninira sa isa't-isa o di kaya'y ang pagbibilang ng mga nakurakot nilang pera, atupagin sana nila ang edukasyon ng bayan. Anak ng hinayupak kasi sila, wala na kasi silang paki sa kung anong natututunan ng mga kabataang Pilipino. Pana'y dota, L4D, L4D2, HoN, at kung anu-ano pang computer games na lang ang alam ng mga bata.

Napaisip nga ako na simula't sapul pa lang na mag-aaral ang batang Pilipino, dahil sa pagwawalang bahala ng mga nakaupo, mali na ang naituturo sa kanila. Halimbawa na lang ang kantang 'Sampung mga Daliri'.

Sampung mga Daliri

Sampung mga daliri,
Kamay at paa.
Dalawang tenga,
dalawang mata,
Ilong na maganda.

Maliliit na ngipin
Masarap kumain.
Dilang maliit nagsasabing
Huwag kang magsisinungaling.

Tignan niyo 'to, katangahan ang itinuturo. Kita mo nang sampung mga daliri ang pamagat ng kanta, hinaluan pa ng tenga, mata, ilong, ngipin at dila. Anong kinalaman ng mga ito sa daliri?

Himayin pa natin ang kanta. Sampu daw ang daliri niya, kamay at paa. So according to the bilateral symmetry of a Homo sap
iens, magiging 2.5 ang bilang ng daliri ng isang kamay at ganoon din para sa isang paa, upang ang maging kabuuang bilang ng mga daliri ay sampu. Katangahan diba!?

Eto pa ang isa, saan sa Earth ka ba makakakita na ang dila kayang magsabi ng 'Huwag kang magsinungaling'?! Saan!? Saan!?

Dapat sana mabigyang pansin ang katangahang ito na itinuturo sa mga pag-asa ng bayan. Ako na mismo, bilang Pilipino, ay gumawa na ng solusyon para dito. Napag-isipan ko ng baguhin ang bersyon ng kantang ito.

Sampung mga Daliri

Sampung mga daliri,
Kamay pa lang iyan.
Sampu pa yan,
Sa may paa.
Kumpleto na sila!

Di ba? straight to the point. Malinaw! Lahat ng nakapaloob sa kanta ay katotohanan (maliban na lang sa mga taong kulang talaga ang daliri o sa mga taong naputukan/naputulan ng daliri).

Umaksyon na ako sa suliraning pangedukasyon ng Pilipinas. Sa pamamagitan ng bagong bersyon ng kantang ito, makatutulong na ako sa kabataang Pilipino. Hindi ko na iaasa pa sa magling nating gobyerno ang tungkol dito. Ikaw ba? Kelan mo ba balak mamahagi ng iyong kakayahan upang makatulong?

1 comment:

  1. Pano pag kinanta yan ng mga bata sa school?
    Magdedebate pa sila ng teacher kung ano ang tama?!

    Hehehe interesting! :D

    ReplyDelete