28.6.10

Haha! Google crashed!

WTF!???

25.6.10

Its friday night!!!

...and its raining...damn!

8.5.10

Lumikha tayo ng BahagHari

Inaagiw na ang blog ko!
Mag-iisang buwan na nung huli ko pang sulat.
Masyadong abala lang siguro.
Tapos mainit pa kaya minsan nakakatamad magsulat.
Gaya ngayon, tila nasa ihawan ako at unti-unting niluluto hanggang sa maging well done ako!

Buti na lang at may libreng aircon sa NIP.
Libreng aircon sa kwarto.
Malamig. Masarap.

Abala.

Masyado nang abala ngayon.
Matatapos na ang buwan ng Mayo, magtatag-ulan na pero patuloy pa din sa paggiging abala.
Walang kamatayang Research.
Matrabaho man ang mga gawain, nakakaenjoy pa din ang mga pangyayari.
Pagod, sakit ng katawan, ubo at sipon.
Normal na ata yan kung trabahong kalabaw.

Ok lang yan.
Masaya naman at fulfilling.
Ang sarap sa pakiramdam pag nagagawa mo ang mga dapat mong gawin.

Lumikha ng BahagHari!
Yan ang aking layunin.
Gumawa ng iba't-ibang kulay gamit ang mga kemikal na nakakalason at nakakabulag ng tao.
Masaya diba?
May thrill ang research, hindi boring, nakataya talaga ang future mo dahil sa mga lason na nakaangkop sa araw-araw na ginagawa mo.

Masayang isipin na nakakalikha ako ng BahagHari sa pamamagitan lamang ng pagbutas ng isang bagay.
Paano nangyari yon? Simpleng paksa lamang yan sa liknayan.
Nagkakaroon ng kulay sa pamamagitan ng paglagong ng mga haba ng daluyong sa mga butas na nalikha.
Sa pamamagitan ng mainam na pagpili ng kapal at laki ng butas ng isang materyal, magagawa kong baguhin ng kulay nito.
Nakakatuwa na naeenjoy ko ang aking ginagawa bagamat puspusan ang pagtatrabaho ko dito.

Malamang sa malamang matatagalan ulit ako bago makalikha ng bagong babasahin sa mumunti kong blog site dahil ako na nama'y magiging abala sa aking BahagHari.

15.4.10

Paalam Old NIP

Pawang isa ng ghost town ang Llamas hall...
Wala ng tao masyado...
ang mumunting gusali ay iniwan na halos lahat ng mga taong naglalagi dito...
Wala na ang pakiramdam ng pagkaabala...
wala na akong nakikitang mga taong akyat-panaog sa mga hagdanan ng gusali...
Wala na akong naririnig na ingay ng mga usapan, tsismisan, kamustahan, tawanan, at sigawan sa pasilyo...
Wala na ako masyadong nakakasalubong na tao na ngingitian at nakakawayan...
Wala na rin sa gusaling ito ang mumunting tahanang aking pinaglagian ng mahigit sa apat na taon...
Bilang na lang ang mga taong pansamantalang mananatili sa gusali ni Llamas...
Sa paglipat, madaming mga bagay ang siguradong hinding-hindi natin makakalimutan...
Ang mga bulaklak sa nahuhulog sa daan tuwing sasapit ang tag-araw na tila'y mukang dilaw ng niebe dahil sa dami nito...
Ang pagbalot ng puting usok na ibinubuga ng tanke ng LN2 tuwing umaga sa kalsada na pawang ginagawang dagat ng usok ang daan...
Ang madidilim na pasilyo ng gusali sa tuwing mawawalan ng ilaw at ang kasabay ng pagdagsa ng tao sa pulsayd...
Ang mga pagdiriwang, mapalaboratory man o buong NIP, na ginaganap buong taon...
Alam kong bawat isa sa atin ay may mumunting ala-ala sa iiwanang gusali...
Sa paglisan natin dito, wag sana nating kalimutang sa gusaling ito tayo nagsimula, sa gusaling ito natin nakilala ang mga taong makakasalamuha natin sa pananatili natin sa ating unibersidad, at mga taong makakasama natin sa panghabangbuhay...
Sa pagtanaw ko sa mga bakanteng silid at pasilyo, nais kong magpasalamat at magpaalam...
Salamat sa mga memorya't karanasang ibinahagi mo sakin...
Paalam Old NIP, paalam...

13.4.10

Summer Rain

Matagal-tagal na din akong hindi nakapagsusulat!
Grabe! wan wik!
Wan wik na puros paper at postlabs!
Sa wan wik na un nakagawa ng "thesis proposal"..
Sa wan wik na un nakatapos ng isang project na kamuntik-muntikang pumalpak.
Buti na lang ang mga tao magaling sa cramming.
Mas creative pag under pressure. Galing!
Pagkapasa ng mga kulang ng requirements...
sabay busyaw ng "shet! tapos na ang second sem!"

kinabukasan...

Summer sem na...

p*ta! walang pahinga! kayod kalabaw!
di uso ang bakasyon dito! ang magbakasyon hahabulin ni Jolibee pag balik pasok.
buti na lang PE lang ang inenroll ko!
P 570.50 yan tol! o ha o ha!
ang masama lang alas syete ng umaga ang klase!
at malamang sa malamang tatamarin din pumasok ang prof..
malas lang kung pumasok ka ng maaga tapos malalaman mong wala pala siya!
badtrip!

parang kanina lang!
excited pa naman akong pumasok at mag-duckpin bowling!
so dating ako ng 6:30am.. ok maaga pa.. abang muna sa labas ng bowling alley..
after 15mins dumadami na kami... mula sa 5 naging 20 na ata...
after 15 mins ulit... dumadami na ang ang inip ko! shet nasan na kaya ang prof namin?
after 15 mins ulit... dumadami na ang naiinip gaya ko! may mga nagrereklamo na:
"sheyt! weyr is the prof ba!? He iys so tegel nemen!"
"homeged! my feyt iys so meyking ngeley na!"
"deym! so hot nemen hiyr! its leyk so init!" (nakajacket siya ng makapal)
after 15 mins ulit... di ko na talaga kaya ang pagkainip!
punta ako ng gym! at sa di inaakalang pangyayari, sumunod ang mga classmates ko!
nagmukang exodus ang ginawa namin at ako si moses na may hawak na tungkod at kumakanta ng "Let my people go"!

pagdating sa gym, wala ang prof! badtrip! badtrip! badtrip!
sayang ang tulog ko! p*ta!
haaaay!!

buti na lang presko ngaun kahit papaano!
kasi umulan kaninang umaga!
at makulimlim pa ngayon!
Ito ang kaunaunahang ulan for the Summer sem...
Let's call it... the "SUMMER RAIN"
nabawi ang lahat ng badtrip ko dahil sa preskong idinulot ng SUMMER RAIN...
sana lang manatili ang pagkapresko ng araw hanggang mamaya!
to ensure the preskoness of the day...
let us SUMMER RAIN DANCE!!!

4.4.10

Hello Easter Sunday!!!

Easter Sunday!!!
A day before 'Back to Reality' Day...
A day before 'Oh shit! I still gotta lot of things to do!' Day...
A day before 'Oh my! There goes my vacation!' Day...
Easter Sunday!!!

31.3.10

29.3.10

Sampu nga ba ang daliri ko?

Minsan napagtanto ko lang, bakit kaya ang tingin ng ibang bansa sa Pilipinas ay bayan ng mga taong mahihina ang kukute? Sabi dito ang Pilipinas daw ay may iniestimang IQ o Intellegence Quotient na 86. Wow! 86! Ano na nga ba ang passing score sa UP? Well mukang ok naman ang 86 kasi nga malapit sa 100.

Pero sabi dito ang numerong 100 ay ang karampatang IQ level lamang ng isang pangkaraniwang tao. Samakatuwid, ang IQ ng isang pangkaraniwang Pilipino ay may mababa pa kumpara sa pangkaraniwang tao sa mundo. Holi shet! What the 'F'!?
Ayon ulit dito, ang mga tao daw ng may kaukulang IQ ay may karaniwang trabaho. (tignan ang baba)
Anak naman ng tinapa! Kung ang average Filipino IQ ay 86, panay laborer, hardinero,minero, factory worker ang trabaho!? Di pa kasama jan ang holpader, snatcher, kidnapper, at kung anu-ano pang goon jobs. From what I've learn from my Geography 1, panay primary jobs lang ang napupuntahan. kelan kaya magiging panay tertiary jobs ang trabaho ng mga Pinoy?

May mali ba sa edukasyon? malamang sa malamang meron yan. sabi nga dito, ang Education Index ng Pilipinas o ang bilang ng mga mamayang literado ay bumababa ng 0.887 na puntos. Sa ngayon, nasa pang-anim napu't anim na ranggo na ang Pilipinas. Nangangahulugan lamang na may mali sa sistema.

O di kaya'y may mali sa kung saan at ano ang pinagbibigyan ng pansin ng ating magaling na gobyerno. Dapat imbis na atupagin nila ang paninira sa isa't-isa o di kaya'y ang pagbibilang ng mga nakurakot nilang pera, atupagin sana nila ang edukasyon ng bayan. Anak ng hinayupak kasi sila, wala na kasi silang paki sa kung anong natututunan ng mga kabataang Pilipino. Pana'y dota, L4D, L4D2, HoN, at kung anu-ano pang computer games na lang ang alam ng mga bata.

Napaisip nga ako na simula't sapul pa lang na mag-aaral ang batang Pilipino, dahil sa pagwawalang bahala ng mga nakaupo, mali na ang naituturo sa kanila. Halimbawa na lang ang kantang 'Sampung mga Daliri'.

Sampung mga Daliri

Sampung mga daliri,
Kamay at paa.
Dalawang tenga,
dalawang mata,
Ilong na maganda.

Maliliit na ngipin
Masarap kumain.
Dilang maliit nagsasabing
Huwag kang magsisinungaling.

Tignan niyo 'to, katangahan ang itinuturo. Kita mo nang sampung mga daliri ang pamagat ng kanta, hinaluan pa ng tenga, mata, ilong, ngipin at dila. Anong kinalaman ng mga ito sa daliri?

Himayin pa natin ang kanta. Sampu daw ang daliri niya, kamay at paa. So according to the bilateral symmetry of a Homo sap
iens, magiging 2.5 ang bilang ng daliri ng isang kamay at ganoon din para sa isang paa, upang ang maging kabuuang bilang ng mga daliri ay sampu. Katangahan diba!?

Eto pa ang isa, saan sa Earth ka ba makakakita na ang dila kayang magsabi ng 'Huwag kang magsinungaling'?! Saan!? Saan!?

Dapat sana mabigyang pansin ang katangahang ito na itinuturo sa mga pag-asa ng bayan. Ako na mismo, bilang Pilipino, ay gumawa na ng solusyon para dito. Napag-isipan ko ng baguhin ang bersyon ng kantang ito.

Sampung mga Daliri

Sampung mga daliri,
Kamay pa lang iyan.
Sampu pa yan,
Sa may paa.
Kumpleto na sila!

Di ba? straight to the point. Malinaw! Lahat ng nakapaloob sa kanta ay katotohanan (maliban na lang sa mga taong kulang talaga ang daliri o sa mga taong naputukan/naputulan ng daliri).

Umaksyon na ako sa suliraning pangedukasyon ng Pilipinas. Sa pamamagitan ng bagong bersyon ng kantang ito, makatutulong na ako sa kabataang Pilipino. Hindi ko na iaasa pa sa magling nating gobyerno ang tungkol dito. Ikaw ba? Kelan mo ba balak mamahagi ng iyong kakayahan upang makatulong?

27.3.10

Aanhin mo pa ang cheat sheet...

Aanhin mo pa ang cheat sheet... (bow)

Aanhin mo pa ang cheat sheet,
Kung sa exam nama'y hindi magagamit.
Sulat mo pa'y pinaliit,
Upang lahat sa papel ay maisingit.

Pinagpuyatan mong isulat,
Lahat ng pormyula'y inilipat,
Sa dulo ng araw ito lang ay magiging kalat.
Dahil sa exam ito'y di man lamang sinipat,

Pinaghandaan mong maigi,
ang cheat sheet na gawa ng iyong sarili.
Ngunit sino ba ang masisisi,
Kung ang cheat sheet ay walang silbi.

Aanhin mo pa ang cheat sheet,
Kung sa exam nama'y hindi magagamit.
Walang kwenta ang aking cheat sheet,
Anak naman talaga ng pakshit!

23.3.10

take a break for a change

taking a break becomes a necessity when people are loaded with daily stress and fatigue.
sometimes just taking a deep breath and stretching out is a simple solution for relaxation.
today was a good day!
its one of those days.
a brief break before plunging again into war.
after all of these
I definitely gonna make myself play every game that I'm itching to play.
any console would do.
and maybe,
just maybe,
I could be like this guy...

too much for a day!

first blog entry while my brain is dead...
can't think anymore...
no more creative juices to squeeze out...
why am I blogging then?..
just to pass the time?..
maybe...
its already 3 o'clock in the morning...
can't sleep...
to much coffee...
having a caffeine overflow...
whats with coffee that makes it so good?..
damn! i really need to sleep...
maybe I'll just start counting sheeps or maybe goats?..
dogs?..
cats?..
numbers?..
oh what the heck!..